Mga LGU official na sangkot sa illegal drugs, nasa 50
Nasa 50 ang bilang ng mga lokal na opisyal na sangkot sa iligal na droga.
Ayon sa isang mataas na opisyal ng Department of Justice (DOJ) na tumangging ihayag ang kaniyang pangalan, malakas ang ebidensya laban sa mga naturang LGU officials.
Ayon sa source, napag-usapan ito sa Cabinet meeting noong Lunes, at inaasahang ibubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan na ito anumang oras mula ngayon.
Kabilang aniya sa mga listahan ay mga gobernador at alkaldeng matagal nang binabantayan, at kaya aniya itong patunayan ng mga nakalap nilang ebidensya.
Nakatakdang i-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng 27 lokal na opisyal na may kinalaman sa kalakalan ng iligal na droga.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang 27 na pangalan na ito ay mula sa impormasyon ng mga intelligence agencies.
Samantala, nag-sumite naman na ng kanilang mga komento sina Chief Superintendents Joel Pagdilao at Edgardo Tinio kaugnay sa pagsa-sangkot sa kanila sa kalakalan ng iligal na droga.
Ito’y matapos ianunsyo ng National Police Commission (NAPOLCOM) na nakahanap sila ng sapat na ebidensya para ituloy ang mga kasong administratibo laban kina Pagdilao at Tinio.
Bukod kina Pagdilao at Tinio, kabilang rin sa mga isiniwalat na pangalan noon ng pangulo ay sina Chief Supt. Bernardo Diaz, retired Chief Supt. Vicente Loot at retired Deputy Director General Marcelo Garbo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.