P500-M ilalaan para sa AFP hospital – Duterte

August 03, 2016 - 04:36 AM

 

Screengrab RTVM

Ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapa-ganda at pagpapa-ayos ng AFP Medical Center.

Sa pagharap niya sa mga sundalo sa AFP Medical Center, ipinahayag niyang naglaan ang Department of Budget Management (DBM) ng P500 million para sa pagpapa-ayos at pagpapatayo ng karagdagang gusali sa ospital ng mga sundalo.

Ayon kasi sa pangulo, ang mga sundalo ang madalas nagbubuwis ng kanilang buhay at kaligtasan ngunit sila ang kapos sa mga kagamitan sa ospital.

Bukod sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa mga sundalo, nangako rin si Pangulong Duterte na isusulong niya ang libreng edukasyon para sa kanilang mga anak.

Tiniyak rin ng pangulo na magtatayo siya ng opisina sa AFP na mag-aasikaso sa proseso ng mga pensyon ng mga sundalo.

Gagawin niya aniya ang lahat upang maging komportable ang trabaho ng mga sundalo, at para mapunan ang mga pangangailangan ng AFP.

Aniya pa, “I will serve you and I will not abandon you.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.