Daan-daang pasahero, stranded sa Hong Kong dahil sa Typhoon Nida

By Dona Dominguez-Cargullo August 02, 2016 - 09:57 AM

Hong KongMahigit 150 flights ang kinansela sa Hong Kong dahil sa sama ng panahon na dulot ng Bagyong Carina na may international name na Nida.

Mula Martes ng umaga hanggang hapon, walang nakaalis na biyahe ang Cathay Pacific at Dragonair sa Hong Kong.

Daan-daang pasahero ang na-stranded bunsod ng kanselasyon ng mga biyahe at pagka-delay ng nasa 290 pang flights.

Ramdam na sa Hong Kong ang epekto ng Typhoon Nida matapos maglandfall kanina sa Guandong province sa China.

Naantala din ang trading batay sa anunsyo ng Hong Kong Exchanges and Clearing Limited bunsod ng pagtataas ng Typhoon Signal number 8.

Ayon naman sa Hong Kong Observatory, may mga indikasyon na hihina ang bagyo matapos na maglandfall.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 100 km kada oras at nagdudulot ng malakas na pag-ulan sa Southern China at sa Hong Kong.

 

 

TAGS: Typhoon Nida, Typhoon Nida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.