Bilang ng mga stranded na pasahero, bumaba pa
Ilang pasahero na lamang ang stranded sa ilang pantalan ng bansa bunsod ng malakas na alon na naidulot ng bagyong Carina na nakalabas na ng bansa.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commander Armand Balilo, sa ngayon 41 pasahero na lamang ang naghihintay makabiyahe sa Pasacao Port sa lalawigan ng Masbate.
Sinabi ni Balilo na dahil sa nakataas pa rin ang gale warning sa lugar, hindi pa pinayagan ng coast guard na makabiyahe ang mga pampasaherong bangka doon.
Gayunman, sinabi ng opisyal na nakabiyahe na ang iba pang mga pasahero na nastranded sa iba pang pantalan ng bansa dahil sa bagyong Carina.
Ang bagyong Carina ay nakalabas na ng bansa at ngayon ay nagbabanta na sa China at Hong Kong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.