Kaso ng Zika sa Florida, nadagdagan ng 10

By Kabie Aenlle August 02, 2016 - 04:19 AM

 

zika virus2Umakyat na sa 14 ang kabuuang bilang ng mga nadapuan ng Zika virus sa Florida, matapos madagdagan ng 10 ang nauna nang bilang na naitala sa US state.

Ayon kay Florida Gov. Rick Scott, ang mga impeksyon na ito ay nailipat sa pamamagitan ng mga kagat ng lamok.

Naiulat rin ang mga bagong kaso sa iisang square-mile na magkakalapit na lugar sa Miami-Dade County noong nakaraang linggo.

Dahil dito, naniniwala ang mga U.S. health officials na ang mga active transmissions ay nagaganap doon lamang sa nasabing lugar.

Hindi rin inaasahan ng mga health officials na magkakaroon ng outbreak ng sakit na ito tulad ng nangyari sa Brazil at Latin America.

Mahigit 1,650 katao na ang naapektuhan ng Zika virus sa mainland U.S. sa mga nagdaang buwan, at karamihan sa kanila ay nakuha ang sakit matapos maglakbay sa ibang bansa.

Noong nakaraang buwan naman ay naitala ang kauna-unahang woman-to-man sexual transmission ng Zika sa New York City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.