Bagyong Carina, lalong lumakas habang napapanatili ang bilis at direksyon
Lalo pang lumakas ang bagyong Carina habang napapanatili ang bilis ng galaw at direksyong tinatahak.
Sa 5AM weather bulletin sa PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 145 kilometro sa north-northwest ng Laoag City, Ilocos Norte habang tinatahak ang direksyong northwest sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 105 kilometro bawat oras at pagbugsong 135 kph.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 2 sa:
Ilocos Norte
Apayao
Abra
Hilagang bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
Signal number 1 naman sa:
Ilocos Sur
Batanes Islands at natitirang bahagi ng Cagayan
Isabela
Kalinga
Mt. Province
Benguet
Ifugao
La Union
at Pangasinan
Nagbabala ang PAGASA ng posibleng storm surge sa mga baybayin na nasa ilalim ng Signal No. 2.
Inaasahang lalabas na ang bagyong Carina sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.