Inilagay na sa ‘orange alert’ ng China ang kanilang antas ng kahandaan bilang antisipasyon sa inaasahang pagtama ng bagyong ‘Carina’ o international name ‘Nida’ sa kanilang bansa.
Si ‘Nida’ ay rumagasa sa Ilocos region at tinatahak na ang Balintang Channel habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa National Meteorological Center (NMC) kanilang inaasahang tatama at mararamdaman ang epekto ng bagyo sa Guangdong, na nasa timog na bahagi ng China.
Bukod dito maapektuhan din ang mga isla ng Fujian at Hainan at ang Guangxi Zhuang Autonomous Region.
Bukod sa China, inaasahang maaapektuhan din ng bagyo ang Hong Kong.
Sakaling mag-landfall, ang bagyong ‘Carina’ o ‘Nida’ na ang ikaapat na bagyo na tatama sa China ngayong taong ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.