Mga lokal na disaster management councils, pinaaalerto na sa epekto ng Bagyong Carina
Inatasan ng opisyal ng Disaster Response Management ang mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Councils lalo na sa Northern Luzon na maging alerto sa epekto ng tropical storm Carina.
Sa kasalukuyan kasi, sinabi ni NDRRMC undersecretary Ricardo Jalad na nakaalerto na ang mga Regional Disaster Risk Reduction Management.
Nagsagawa na rin sila ng pre-disaster risk assessment meeting kahapon, araw ng Sabado, kasama ang mga opisyal ng PAGASA, Mines and Geosciences Bureau, Department of Health, Department of Interior and Local Government at iba pang disaster response agencies.
Aniya, wala pa namang pre-emptive evacuations na ipinatutupad sa Region II, base sa pinakahuling sitwasyon doon.
Tanging ang lalawigan lamang ng Samar ang nagpatupad ng pre-evacuation ng kanilang mga mamamayan pero ito ay kaagad namang nagsibalikan sa kani-kanilang mga tahanan.
Samantala, sinabi ni Jalad na naka- preposition na ang mga relief goods ng Department of Social Welfare and Development sa Region II, ito’y maliban pa sa standby fund at stockpile ng family food packs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.