5,000 katao, stranded sa ilang pantalan sa Bicol at Eastern Visayas dahil sa bagyong Carina

By Mariel Cruz July 31, 2016 - 10:57 AM

stranded-passengers
File Photo

Aabot sa limang libo katao ang stranded sa mga pantalan sa Bicol at Eastern Visayas dahil sa bagyong Carina.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, kabuuang 4,931 na pasahero ang kasalukyang stranded sa dalawampung pantalan sa Bicol at Eastern Visayas.

Batay aniya sa Philippine Coast Guard, mahigit anim nA daang rolling cargoes, 46 vessels at 34 na bangka ang pansamantalang pinigil na makalayag sa dalawang rehiyon.

Ayon naman sa PAGASA, as of 8 AM, namataan ang bagyong Carina sa 195 kilometers east southeast ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 85 kilometers kada oras at pagbugso na aabot sa 100 kilometers kada oras.

Dahil dito, itinaas ng PAGASA ang public cyclone warning signal numbers 1 at 2 sa labing limang lugar sa Luzon.

Samantala, base sa ulat ng NDRRMC, aabot lamang sa apatnapu’t apat o dalawang daan at tatlumpung katao ang inilikas sa apat na barangay sa mga bayan ng Mondragon at Pambujan sa Northern Samar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.