“Kailanman ay hindi pwedeng utusan ni Duterte ang rebolusyunaryong grupo na sumunod sa kanyang gusto”.
Yan ang bahagi ng pahayag ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison.
Sinabi pa ni Sison na nakatakda sanang maglabas ng kautusan ang pamunuan ng CPP-NPA alas-otso ngayong gabi na nagsasabing magdedeklara rin sila ng ceasefire order para sa kanilang mga tauhan.
Dagdag pa ni Sison, “masyadong butangero yang si Duterte at gusto niya ay gulo agad….kung ayaw niya ng katahimikan eh di huwag…”
Ipinaliwanag pa ni Sison na binalewala ni Duterte ang kanyang mga negosyador ay siya na mismo ang nagdesisyon ng hindi man lang kino-kunsulta ang kanyang mga tauhan.
Tinawag din ni Sison na isang “bully” si Duterte at hindi umano ito uubra sa kilusang rebolusyonaryo.
Ipina-uubaya naman ni Sison sa mga lider ng CPP-NPA dito sa Pilipinas kung itutuloy pa ang pakikipag-usap sa pamahalaang Duterte o hindi.
Kaninang alas-singko ng hapon ay natapos ang deadline na ibinigay ni Duterte sa CPP-NPA para sa kanilang paliwanag sa ginawang pag-ambush sa mga tauhan ng CAFGU at militar sa Daval del Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.