Isla na pwedeng pagdalhan sa mga high-profile inmates iinspeksyunin ng bagong Bucor chief
Seryoso si incoming Bureau of Corrections director Alexander Balutan sa posibilidad na pagtatayo ng hiwalay na piitan para sa mga high-profile inmates ng New Bilibid Prisons (NBP).
Isa sa mga tinitignang lokasyon ay ang Caballo Island sa Corregidor.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, pag-upo sa puwesto ni Balutan sa Lunes, August 1, plano nito na magtungo sa Caballo Island upang magsagawa ng inspeksyon.
Sinabi ni Aguirre na sa ngayon, wala pang mangyayaring paglilipat sa mga high-profile inmates ng bilibid dahil magiging matrabaho aniya ito.
Maliban dito, kontrolado naman ngayon ng Special Action Force (SAF) ang sitwasyon sa bilibid.
Naniniwala ang kalihim na walang magiging legal na balakid sa posibleng paglilipat ng mga siga ng bilibid kapag natuloy ang planong pagkakaroon extention ng bilangguan sa Corregidor.
Sinabi ng kalihim na iniiwasan nila ngayon ay matulad ang kasalukuyang pamunuan sa sinapit ng mga dating namumuno sa Bucor na mistulang napasok ng Narcopolitics.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.