Bawal muna ang religious activities sa bilibid
Ipinatigil muna ng Department of Justice (DOJ) ang iba’t ibang religous activities sa loob ng New Bilibid Prisons o NBP.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, ito ay matapos makarating sa kanya ang impormasyon mula sa ilang NGOs at mismong guwardiya ng bilibid na ginagamit din ang mga religious groups sa pagdadala ng mga sangkap at gamit sa paggawa ng shabu sa loob.
Mayroon na aniyang isinasagawang hiwalay na imbestigasyon dito para alamin ang lawak ng koneksyon ng mga drug lords sa loob.
Sa katunayan ayon kay Aguirre, mayroong isang malaking religious organization ang nagnanais na magsagawa ng thanksgiving sa loob ng bilibid ang hindi pinayagan upang hindi makaapekto sa operasyon ng Special Action Force (SAF).
Samantala, pinabulaanan naman ng kalihim ang report na nanggaling sa Chaplain ng Bilibid na nagkaroon ng pagsabog sa loob ng NBP nang magsagawa ng oplan galugad ang mga tauhan ng SAF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.