Motion to dismiss ni dating Sen. Jinggoy Estrada sa mga kasong graft, ibinasura ng Sandiganbayan
Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating Senador Jinggoy Estrada na ibasura ang 11 bilang ng kasong graft laban sa kanya kaugnay ng pagkakasangkot sa pork barrel scam.
Sa 7-pahinang resolusyon, tinanggihan ng anti-graft court 5th division ang hiling ni Estrada dahil sa kawalan ng merito.
Ipinunto ng korte na ang impormasyon sa mga kasong graft laban kay Estrada ay hiwalay sa impormasyon sa kanyang kasong plunder kaya hindi maaaring pag-isahin o pagsamahin.
Gaya daw ng punto ng prosekusyon, bagama’t iisa ang pinag-ugatan ng kasong plunder at graft ni Estrada, sa ilalim ng batas ay dapat magkahiwalay pa rin itong litisin.
Sa inihaing mosyon noong buwan ng Mayo, iginiit ng kampo ni Estrada na ibasura na ang 11 counts ng kasong graft laban sa kanya dahil ang naturang mga alegasyon ay nakapaloob na rin sa nakabinbin nitong kasong plunder sa paherong dibisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.