Makabayan tutol sa panukalang Con-Ass

By Kabie Aenlle July 29, 2016 - 04:34 AM

 

Inquirer file photo

Hinimok ng Makabayan bloc sa Kamara si House Speaker Pantaleon Alvarez na pag-isipang muli ang pag-pabor niya sa panukalang Constituent Assembly o Con-Ass.

Layon kasi ng panukala na amyendahan ang Saligang Batas upang maisulong ang pederalismo sa pamahalaan, ngunit tutol dito ang Makabayan bloc.

Ayon sa pahayag ng Makabayan, hindi katanggap-tanggap ang Con-Ass para sa mga tao dahil ang tingin nila sa Kongreso ay binubuo ng mga political dynasties na posibleng umabuso sa pagkakataong ito.

Mapatutunayan anila ito sa negatibong reaksyon ng mga tao partikular na sa social media platforms.

Anila, matindi nilang tinututulan ang pag-amyenda sa Konstitusyon dahil aalisin lamang nito ang anti-dynasty clause at ang limitasyon ng haba ng termino ng mga halal na opisyal.

Una nang sinabi ni Alvarez na napagdesisyunan sa kanilang pulong nina Pangulong Duterte, Senate President Koko Pimentel at Budget Sec. Benjamin Diokno, na magsisilbing Con-Ass ang Kongreso para amyendahan ang Konstitusyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.