NDFP iimbestigahan ang pananambang ng NPA

July 29, 2016 - 04:33 AM

 

Inquirer file photo

Tiniyak ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na iimbestigahan nila ang nangyaring pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga militiaman sa Davao del Norte.

Matatandaang ilang araw matapos mag-deklara ng unilateral ceasefire si Pangulong Rodrigo Duterte, isang militiaman ng pamahalaan ang patay habang apat na iba pa ang sugatan sa pananambang ng NPA sa bayan ng Kapalong.

Ayon sa tagapagsalita ng NDFP peace panel na si Fidel Agcaoili, nakipag-ugnayan na sila sa chief negotiator ng pamahalaan na si Silvestre Bello III tungkol sa nasabing pag-atake.

Aniya, sinabihan na nila si Bello na aalamin nila ang mga detalye ng ulat na ito dahil sa pagkaka-alam nila sa NDFP, naka-active defense mode ang NPA mula noong July 26 base sa inanunsya ng bagong pinuno ng kanilang National Operational Command na si Ka Oris Madlos.

Ito ang kanilang unang hakbang sa inanunsyong ceasefire ng pangulo, at bilang paghahanda na rin sa unilateral ceasefire declaration ng CPP at NDFP.

Ipinahayag ito ni Agcaoili matapos silang bigyang babala ni Pangulong Duterte na posibleng tigilan na lang ng gobyerno ang unilateral ceasefire kung hindi rin lang makikipagtulungan ang CPP at NPA sa pagtataguyod ng kapayapaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.