Ramos, Estrada, Arroyo at Aquino dadalo sa National Security Council meeting
Inaasahan ang pagdalo ng apat na mga dating pangulo ng bansa sa ipinatawag na pulong ng National Security Council (NSC) sa Malacañang.
Kabilang dito sina dating Pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Noynoy Aquino.
Kahapon ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging sentro ng pulong ang magiging mga hakbangin ng pamahaan makaraang makakuha ang Pilipinas ng paborableng desisyon mula sa Permanent Court of Arbitration kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.
Nauna nang iminungkahi ni Ramos ang pag-convene ng NSC makaraan niyang tanggapin ang posisyon bilang special envoy sa China.
Sa kanyang pulong sa mga opisyal ng Philippine Army kahapon ay sinabi rin Duterte na dapat na maging handa ang Armed Forces of the Philippines sakaling hindi maging maganda ang sitwasyon sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.