Andal Ampatuan Sr., inilibing na

July 18, 2015 - 03:38 PM

andal and zaldy
Inquirer file photo

Nailipad na sa Maguindanao ang labi ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.

Pasado alas nuwebe ng umaga kanina nang ang bangkay ay inilipat sa Maguindanao kulang sa isang Philippines Airlines flight ayon kay Atty. Salvador Panelo na nakapanayam ng Radyo Inquirer.

Nakiusap ang pamilya Ampatuan sa lahat na igalang ang kanilang pagdadalamhati.

Ito ay reaksiyon sa mga pahayag ng ilan na hindi ang totoong Andal ang namatay.

Ang labi ng matandang Andal ay naidaan pa sa Bicutan kung saan nakakulong ang kanyang mga anak na sina Zaldy, Andal Jr. at Anwar.

Noong nakaraang Sabado huling nakausap ni Panelo si Andal Sr. at sinabi ni Panelo na hanggang sa huli ay pinaninindigan ng dating gobernador na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng 58 katao na karamihan ay mga mamamahayag noong Nobyembre ng 2009.

“Sabi niya sa akin na gusto niyang gumaling para maupo sa witness stand. Sinasabi niya na frame-up ang nangyari”, ani Panelo.

Si Andal Sr. ay inilibing ayon sa kaugalian at paniniwala ng mga Muslim. / Gina Salcedo

TAGS: ampatuan, maguindanao, ampatuan, maguindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.