17 Korean nationals na sangkot sa illegal online gaming, inaresto ng Bureau of Immigration
Arestado ang 17 Korean citizens sa ginawamg operasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa corporate center sa Ortigas, Pasig City.
Ayon kay Atty. Jose Licas, hepe ng Fugitive Search Unit ng BI, inaresto nila ang mga Korean citizen dahil na rin sa sumbong at request ng Korean embassy.
Ang labingpitong Koreans na pawang mga lalaki at nasa edad 20 hanggang 30 ay pawang mga takas sa kanilang bansa.
May mga pending arrest warrant umano ang mga nahuling Korean nationals sa South Korea dahil sa mga kasong paglabag sa cybercrime law at fraud.
Ang mga naarestong Koreano ay nagsasagawa ng ilegal na online gaming sa bansa.
Sasampahan naman ng deportation case ang mga naatesto para mapabalik agad sa Korea at maisama blacklist ng BI upang hindi na makabalik pa ng Pilipinas.
EARLIER: 17 Korean Nationals arestado ng BI, pawang sangkot sa illegal online gaming | @jongmanlapaz pic.twitter.com/zuxhdsOaa8
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 26, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.