China kinastigo ng US, Japan at Australia

By Kabie Aenlle July 27, 2016 - 04:40 AM

 

mischief_reef west phil seaDahil sa kabiguan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na magkaisa sa kanilang testimonya kaugnay ng ruling ng arbitral tribunal sa agawan ng teritoryo sa South China Sea, ang United States, Australia at Japan na ang gumawa nito.

Sa joint statement ng tatlong magkaka-alyadong bansa, inihayag nila ang kanilang pagkabahala sa matinding isyu sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon pa sa pahayag nina Secretary of State John Kerry at foreign ministers Fumio Kishida at Julie Bishop, mariin nilang kinokondena ang anumang hakbang na posibleng makapagpalala sa sitwasyon sa rehiyon.

Nagpulong ang tatlo sa Vientiane, Laos sa sidelines ng mga serye rin ng pagpupulong ng ASEAN.

Ipinahayag rin sa nasabing joint statement ng tatlong bansa na matindi nilang sinusuportahan ang rule of law, kasabay ng panawagan sa China at Pilipinas na sumunod sa desisyon ng arbitral tribunal.

Matatandaang nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration (PCA) na halos lahat ng mga pag-angkin ng China sa South China Sea ay iligal.

Ngunit nahati ang ASEAN dahil sa divide-and-rule diplomacy ng China matapos nitong makuha ang suporta ng Cambodia at pati na rin ng Laos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.