US Sec. Kerry, nasa bansa na

By Jay Dones July 27, 2016 - 04:23 AM

 

Inquirer file photo

Dumating na sa bansa si US Sec. of State John Kerry para sa kanyang nakatakdang pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Lumapag ang eroplanong kinalululanan ni Kerry dakong alas 8:45 ng gabi, Martes.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Kerry na kanilang sinusuportahan ang legal at payapang paraan ng pagresolba ng sitwasyon sa South China o West Philippines Sea.

Bago ang kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Duterte, nakatakda munang makipag-dayalogo si Kerry kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay ngayong umaga.

Inaasahang magiging bahagi ng diskusyon nina Sec. Kerry at Pangulong Duterte ang pagpapatuloy ng pag-uusap sa pagitan ng China at Pilipinas sa isyu ng South China Sea dispute.

Una rito, dumalo sa regional meetings sa bansang Laos si Kerry kung saan ginanap ang ASEAN Regional Forum ngayong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.