Mahigit 6,000 drug suspects ang sumuko at nahuli sa Southern part ng Metro Manila
Aabot sa mahigit anim na libong drug suspects na ang sumuko at nahuli sa operasyon ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ngayon lamang buwan ng Hulyo.
Ayon sa datos ng SPD, sa kanilang mga isinasagawang anti-illegal drugs operation, 370 drug suspects na ang kanilang naaresto mula July 1. Kabilang dito ang 180 sa Taguig, 45 sa Parañaque City, 42 sa Muntinlupa, 34 sa Las Piñas, 26 sa Makati, 14 sa Pasay, 11 sa Pateros at mayroong 18 sa SPD headquarters.
Sa isinagawang 183 anti-illegal operations na isinagawa ng SPD, nasa 183 ang napatay matapos manlaban sa pulisya.
Samantala, 6,309 naman ang kabuuang bilang ng mga sumukong drug dependents at pushers sa nagpapatuloy na Oplan Tokhang ng SPD.
Pinakamarami pa rin sa bilang ng mga sumuko ay mula sa Taguig City na mayroong 1,345; sinundan ito ng Pasay City na mayroong 1,262; sa Muntinlupa City ay 1,248; sa Parañaque City ay 852; sa Makati City ay 801, sa Las Piñas City ay 690 at sa Pateros ay 111.
Ayon sa SPD, magtutuloy-tuloy pa ang kanilang Oplan Tokhang sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga barangay officials na higit na nakakaalam at nakakakilala sa mga hinihinalang may kaugnayan sa ilegal na droga sa kanilang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.