“Tinatakot lamang kami” -Atienza

July 18, 2015 - 11:01 AM

Lito Atienza02
Inquirer file photo

Ipinagkibit balikat lang ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang “ethics complaint” na isinampa laban sa kanya ni dating Senador Rene Saguisag.

May kaugnayan ito sa inihaing treason at inciting to sedition cases ni Atienza kasama si ABAKADA Partylist Rep. Jonathan dela Cruz kontra sa peace negotiators ng gobyerno na nagsusulong ng Bangsamoro Basic Law o BBL.

Sinabi sa Radyo Inquirer ni Atienza na inaasahan na nila ang reklamo dahil si Saguisag ang abogado ng peace negotiators na kanilang inireklamo. “Yung kaniyang ginawang pagsasampa ng demanda laban sa amin, ay para takutin kami ni Cong. (Jonathan) dela Cruz.” Ani Atienza.

Tiniyak naman ni Atienza na hindi sila matitinag. “Kapag pinaglalaban n’yo ang kagalingan ng ating bansa, national interest at ang pino-pruteksyunan natin ay ang Saligang Batas. Hindi kayo dapat natatakot.” ayon kay Atienza.

Sa kanyang reklamo iginiit ni Saguisag na ang hakbang na ito nina Atienza at Dela Cruz ay kailangang siyasatin ng Ethics Panel o kahit ng isang Ad Hoc, upang maiwasan na maulit ang tinawag niyang “mischief” at “premature ejaculation.” “Hindi ko alam yun e, dahil hindi ko nararanasan yun e. Palagay ko si Senator Saguisag e sanay na sanay siya dyan” banat pa Atienza.

Inakusahan ng dating Mayor Maynila si Saguisag ng “intellectual arrogance” at “ self serving.”

Nanindigan si Atienza na unconstitutional ang Bangsamoro basic Law. “E pinipilit kami na aprubahan namin yung batas na ginawa ng peace panel na ‘to na sa tingin namin e pinaka-ugat ng pagkakamali at hindi tugma sa saligang batas. In fact treasonous.” Para sa mambabatas, ibinigay na aniyang lahat ng pamahalaan ang mga hinihingi ng “kalaban.” / Jimmy Tamayo

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.