Traffic rerouting sa paligid ng Batasan, epektibo na

By Kabie Aenlle July 25, 2016 - 04:49 AM

 

Mula sa MMDA

Pinaalalahanan ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) at MMDA ang mga motorista sa ipinatutupad na traffic rerouting sa Commonwealth Avenue ngayong Lunes, July 25, araw ng SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa abiso ng MMDA, simula alas- 12:01 ng madaling araw kanina,  Lunes ay isinara na sa daloy ng traffic ang bahagi ng Commonwealth Avenue.

Apektado ang mga motorista na patungo at galing sa Fairview, San Mateo at Montalban, Rizal.

Dahil sa road closure, inaabisuhan ang mga motorista na patungo sa Commonwealth Avenue, Montalban, at San Mateo at vice versa na maaring gamitin ang sumusunod na alternatibong daan:

– Mindanao Avenue via Quirino Highway o ang Sauyo Road para sa mga motorista na patungo sa Fairview;

– At ang Tumana-Balara Road para sa mga motorista na patungo sa Marikina, Montalban, at San Mateo.

Nagsimula na ring magpakalat ng mga pulis sa palibot ng Batasan Complex bilang bahagi ng security measures ngayong araw.

Kabilang dito ang mga tauhan ng traffic management unit at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.