SONA ni Duterte, sesentro sa pagmamahal sa bayan

By Ricky Brozas July 24, 2016 - 02:01 PM

Pres. Duterte2Tututok sa pagmamahal sa bayan ang kauna-unahang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa pahayag ng Malakanyang.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, mismong ang pangulo ang sumulat ng kanyang magiging ulat sa bayan na pupukaw umano sa pagiging makabayan ng bawat Pilipino.

Bagaman ayaw umano niyang mag-exaggerate, sinabi ni Andanar na naiyak siya nang kanyang basahin ang talumpati ng punong ehekutibo.

Tatagal lamang din aniya ng halos apatnapung minute ang speech ni Duterte at ang draft nito ay sampung beses nang nirebisa.

Ayon naman sa premyadong film director na si Brillante Mendoza na siyang magdederihe sa event, magmimistulang nakikipag-usap ng direkta lamang sa taumbayan ang pangulo kapag kanya nang inihayag ang kanyang SONA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.