Sinuspinde na ng Department of Energy (DOE) ang operasyon ng Coal Operating Contract 5 ng Semirara Mining Corporation sa Semirara Island sa Antique.
Sinulatan ni DOE Officer-in-charge Zenaida Monsada ang kumpanya kasunod ng landslide na kumitil sa buhay ng siyam na minero.
Inatasan din ng DOE ang Semirara Mining na tutukan ang search and rescue operations at bumuo ng investigation committee kaugnay sa insidente.
Nagpaabot din ng pakikiramay at panalangin ang pamunuan ng DOE sa pamilya ng mga nasawing minero.
Una ng kinumpirma ni DMCI Holdings President Isidro Consunji na siyam na minero ang nasawi sa insidente. Tatlo pa lamang dito ang narecover at anim pa ang kinukuha sa gumuhong minahan.
Tiniyak naman ng Semirara Mining Corporation na sasagutin nila ang gastos na kakailanganin ng pamilya ng mga nasawing minero.
Ayon kay Consunji, operator ng Semirara Mining, kakausapin pa nila ang pamilya ng mga nasawi upang malaman ang pangangailangan ng mga ito./ Erwin Aguilon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.