Pag-atake sa Bastille day celebration sa Nice, France matagal na pinagplanuhan

By Dona Dominguez-Cargullo July 22, 2016 - 12:14 PM

Reuters Photo
Reuters Photo

Pinagplanuhan umano ng mahabang panahon ang naganap na pag-atake kamakailan sa Nice, France na nagresulta sa pagkasawi ng 84 na katao na pawang dumadalo sa selebrasyon ng Bastille day.

Ayon kay prosecutor Francois Molins, posibleng taong 2015 pa nagsimulang magplano si Mohamed Lahouaiej Bouhlel, ang driver ng truck na sumagasa sa mga taong nanonood ng fireworks display.

Kasabwat umano sa pagpaplano ni Bouhlel ang lima pang suspek na inaresto kanina mga otoridad sa France na kinabibilangan ng isang French-Tunisian, dalawang Tunisian, mag-asawang French-Albanian at isang Albanian.

Ang limang suspeks na nakilalang sina Ramzi A., 22 anyos; Chokri C., 37 anyos; Mohamed Oualid G., 40 anyos; Artan H., 38 anyos at asawa niyang si Enkeledja Z. ay sinampahan na ng kaso.

Ayon kay Molins may nakita silang mga larawan sa cellphone ni Bouhlel noong 2015 Bastille day celebration kung saan mistulang nagmamanman siya sa pagdiriwang.

Noong April 14, 2016 nagpadala pa ng Facebook message ang isa sa naarestong si Chokri kay Bouhlel kung saan tila binigyang instruction ang driver ng trak sa kung ano ang gagawin.

“Load the truck with 2,000 tonnes of iron… release the brakes my friend and I will watch”, ang mensahe ni Chokri kay Bouhlel.

Mula July 2015 naman hanggang July 2016, natuklasang 1,280 na beses na nagtawagan sa isa’t isa sina Bouhlel at isa pang suspek na si Oualid.

 

 

TAGS: Nice France attack, Nice France attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.