Mga motorista, pina-iiwas sa Commonwealth Avenue sa Lunes
Ngayon pa lamang pinapayuhan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga motorista na iwasan ang dumaan sa kahabaan sa Commonwealth Avenue sa Lunes, July 25, na araw ng SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa abiso kasi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) simula alas 12:01 ng madaling araw sa Lunes ay isasasara na sa daloy ng traffic ang bahagi ng Commonwealth Avenue.
Partikular na maaapektuhana ang mga motorista na patungo at galing sa Fairview; San Mateo, Rizal at Montalban, Rizal.
Sa abiso ng QC Department of Public Order and Safety (DPOS) ang mga motorista na patungo sa Commonwealth Avenue, Montalban, at San Mateo at vice versa ay maaring gamitin ang sumusunod na alternatibong daan:
– Mindanao Avenue via Quirino Highway o ang Sauyo Road para sa mga motorista na patungo sa Fairview
– At ang Tumana-Balara Road para sa mga motorista na patungo sa Marikina, Montalban, at San Mateo
Aabot sa 411 na traffic personnel ang itatalaga sa lungsod para magmando ng traffic.
Kabilang ditto ang mga tauhan ng traffic management unit at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.