2 lalaking sakay ng motorsiklo patay sa shootout sa Las Piñas City

By Jong Manlapaz July 22, 2016 - 09:58 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang dalawang motorcycle riders matapos pumalag sa isinagawasang Oplan Sita ng mga pulis.

Pinara ng mga tauhan ng Las Piñas City police ang sinasakyang motorsiklo ng dalawa sa bahagi ng C5 road bilang bahagi ng Oplan Sita ng PNP.

Parehong umanong walang suot na helmet ang dalawang lalaki at wala ring plaka ang gamit nilang motorsiklo.

Pero sa halip na huminto, pinaharurot pa ng mga ito ang motorsiklo dahilan para habulin sila ng mga pulis.

Nasukol sa bahagi ng C5 road ang mga suspects at doon na sila napatay ng mga otoridad.

Na-recover sa dalawa ang anim na sachets ng shabu, foil at dalawang armas.

Isa sa mga suspek ang nakilalang Joven Dabu batay sa ID na nakuha sa kaniya habang hindi pa nakikilala ang isa pa.

 

TAGS: 2 killed in Las Pinas City shootout, 2 killed in Las Pinas City shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.