Dating PCSO GM Uriarte susi sa kaso ni CGMA-Drilon

By Jan Escosio July 22, 2016 - 04:42 AM

 

Inquirer file photo

Naniniwala si Senate President Franklin Drilon na malaki sana ang magiging bahagi ni dating PCSO General Manager Rosario Uriarte sa kasong kinasangkutan ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ayon kay Drilon maaring hawak ni Uriarte ang susi para ganap na naimbestigahan ng government prosecutors ang sinasabing anomalya kabilang na ang kanyang mga paliwanag ukol sa.mga dokumentong ginawang ebidensiya.

Magugunita na humarap pa si Uriarte sa isinagawang pagdinig sa Senado ukol sa anomalya sa pondo.

Ngunit paglilinaw ni Drilon hindi naman nila maaring ibahagi ang transcript ng pagdinig lalo na kung gagamitin sa pagsasampa sa kasong kriminal.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakikita si Uriarte at dapat makipag ugnayan ang Ombudsman sa Department of Justice (DOJ) para malaman kung nakalabas ng bansa si Uriarte.

Aniya nasa ilalim ng DOJ ang Immigration Bureau at sila riin ang maaring makipag usap sa bansa kung saan may extradition agreement ang Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.