Praktis na emergency call ni DILG Sec. Sueno sa 911, sumablay

By Kabie Aenlle July 22, 2016 - 04:28 AM

 

Mula sa youtube

Katuwang ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang National Telecommunications Commission (NTC) na nagbuo ng sistema para sa emergency hotline 911.

Ngunit nang subukan ni Interior Secretary Ismael Sueno, nadismaya ito sa ilan pang mga butas sa sistema ng pagtawag sa emergency hotline.

Sa harap ng media, personal na tinawagan ni Sueno ang 911 para humingi ng police assistance sa opisina ng NTC, maayos naman siyang inasikaso ng operator ng 911 na alam na ang kausap niya ay ang Interior secretary.

Gayunman nang ipasok na sa linya ang pinakamalapit na police station na sana’y papupuntahin sa NTC para rumesponde, muntik pa siyang ipasa sa ibang linya.

Sinabihan kasi ng babaeng sumagot sa police station si Sueno na tumawag na lamang sa numerong ibibigay sa kaniya.

Doon na sinabi ng operator sa babae na ang kausap niya ay si Sueno at kailangan ng pulis nareresponde doon sa NTC office, sa pagba-baka sakaling may mas maayos na isagot ang mula sa police station.

Makalipas ng dalawang minuto ay dumating ang dalawang pulis, na sinundan pa ng dalawang iba pa pagkatapos rin ng dalawang minuto.

Nang subukan naman ni Sueno na tumawag sa pinakamalapit na fire station, dumating ang mga bumbero pagkatapos ng 20 minuto.

Paliwanag ni Sueno, tatlo hanggang limang minuto lamang ang itinatagal para maka-responde ang mga pulis at bumbero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.