10 nagpa-planong magsagawa ng terror attack sa Rio Olympics, arestado

By Kabie Aenlle July 22, 2016 - 04:27 AM

 

Sampung kataong hinihinalang may kaugnayan o sumusuporta sa grupong Islamic State (IS) ang inaresto ng mga otoridad sa Brazil dahil sa umano’y pagbabalak na magsagawa ng terorismo sa nalalapit na Olympics sa Rio de Janeiro.

Pawang mga Brazilian citizens ang grupo na hindi personal na magkaka-kilala ngunit nag-uusap sa pamamagitan ng internet messaging tulad ng WhatsApp at Telegram.

Ayon kay Justice Minister Alexandre Moraes, walang direktang komunikasyon ang grupo sa IS, gayunman ilan sa mga miyembro nila ay nanumpa ng pag-suporta sa teroristang grupo.

Ibinahagi pa ni Moraes na nagpa-plano ang mga ito na makakuha ng mga armas at gumawa ng mga krimen hindi lang sa Brazil kundi maging sa iba pang mga bansa.

Hindi aniya organisado masyado ang grupong ito ngunit nag-desisyon ang mga otoridad na supilin ang grupo nang mag-simula na silang mag-plano.

Ilan sa mga miyembro nila ay pumunta pa sa isang weapons site sa Paraguay na nagbebenta ng AK-47 rifles ngunit wala namang ebidensya na nakabili ang mga ito.

Dalawang katao ang kukwestyunin, maliban pa sa sampung nakakulong na ngayon.

Tiniyak naman ng intelligence agency ng Brazil na iniimbestigahan nila ang lahat ng posibleng banta ng terorismo para sa Rio Olympics na magsisimula na sa August 5.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.