GMA nakauwi na sa La Vista

By Mariel Cruz, Ruel Perez July 21, 2016 - 08:06 PM

ArroyoNakauwi na si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal sa kanyang tirahan sa La Vista subdivision matapos ang apat na taon na hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Ito ay makaraang ipag-utos ng Sandiganbayan ang paglaya ni Arroyo bilang pagtugon na rin sa desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang kasong plunder laban sa kanya na may kaugnayan sa umano’y maling paggamit sa 366 milyong pisong intel funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa kanyang abogado na si Lawrence Arroyo, bandang 6:25 ng gabi nang malakabas ang convoy ng dating pangulo sa VMMC.

Nakatakda rin magtungo sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City si Arroyo para sa kanyang checkup kung saan dito siya magpapalipas ng gabi.

Simula pa noong Martes nang ianunsiyo ng SC ang kanilang desisyon ay hinihintay na ng mga supporters at ng media ang paglaya ni Arroyo sa VMMC.

Dalawang araw naunsyami ang nakatakdang paglaya ng Pampanga solon matapos ma-delay ang pagsusumite ng Hukuman sa Sandiganbayan ng release order.

Matatandaang inaresto si Arroyo noong 2011 sa kasong electoral fraud na may koneksyon sa 2007 elections at pinayagang magpiyansa noong 2012.

Ngunit bago pa man makalaya ang dating pangulo, ipinag-utos naman ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa kanya dahil sa plunder charges.

Samantala, nakalabas na rin ang co-accused ni Arroyo sa plunder case na si Benigno Aguas sa PNP Custodial Center.

Kasabay ni Arroyo, ipinag-utos din ng Kataas taasang Hukuman ang paglaya ni Aguas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.