Peace talk sa pagitan ng Duterte administration at MILF umusad na

By Den Macaranas July 21, 2016 - 03:36 PM

dureza milf
OPAPP Photo

Natuloy na kaninang tanghali sa Sultan Kudarat ang pulong nina Presidential Peace Adviser Jesus Dureza at Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Hadji Murad Ebrahim.

Naganap ang kanilang pulong na sumentro sa peace roadmap ng gobyerno sa kuta ng MILF sa Camp Darapanan.

Sinabi ni Dureza na ipinaliwanag niya sa mga opisyal ng MILF ang inclusive peace roadmap na nauna nang binigyan ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Lunes.

Laman nito ang panukala para sa pagbuo ng isang all-Moro body na siyang babalangkas sa isusulong na panukala para sa enabling law sa pagbuo ng Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB).

Bahagi ng CAB ang pagbuo sa Bangsamoro Transition Committee na bubuuin ng mga kinatawan mula sa MILF, Moro National Liberation Front (MNLF), Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at iba pang Bangsamoro entities.

Nilinaw rin ni Dureza na hindi pakikialaman ng Duterte administration ang mga naunang kasunduan sa pagitan ng MILF at dating pamahalaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Pero kailangan umanong palawigin ang sakop ng usapan pati na rin ang bilang ng mga grupong dapat kausapin sa pagsusulong ng kapayapaan sa Muslim Mindanao.

Nagpahayag naman ng pagsang-ayon sa panukala ang mga lider ng MILF sa pangunguna ni Ebrahim.

TAGS: dureza, duterte, ebrahim, MILF, mnlf, Peace Talk, dureza, duterte, ebrahim, MILF, mnlf, Peace Talk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.