Quezon City Hall, nakatanggap ng bomb threat
Hinalughog ng mga tauhan ng bomb squad mula sa Quezon City Police District (QCPD) ang iba’t ibang tanggapan sa Quezon City Hall matapos itong makatanggap ng bomb threat Huwebes ng umaga.
Sa anunsyo na naka-post sa facebook page ng Quezon City Public Affairs Office, kinumpirmang nakatanggap ng bomb threat ang Quezon City Hall matapos magsimula ang trabaho ditto alas 8:00 ng umaga kanina.
Partikular na nakatanggap ng banta sa pamamagitan ng tawag sa telepono ang local city office ng DILG, Register of Deeds, ang Civil Registry Department.
Nang halughugin, wala namang natagpuang bomba sa mga opisina. Sinuri din ang iba pang opisina at compound ng City Hall.
Sa kabila nito, iniutos ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa gusali.
Sa ngayon normal naman ang transaksyon sa Quezon City Hall.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.