Bilang ng mga napapatay na drug suspects lolobo pa sa mga susunod na buwan

By Ruel Perez July 21, 2016 - 12:00 PM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Madaragdagan pa umano ang bilang na mga napapatay na mga drug suspects sa mga susunod na buwan.

Ito ang naging pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa matapos na umabot sa dalawangdaan at pito ang napapatay na drug suspects sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalan kontra ilegal na droga.

Ang nasabing datos ay mula July 1 hanggang kahapon, July 20, kung saan pumalo na sa 2,789 ang naaresto ng buhay at hindi nanlaban.

Ayon sa hepe ng pambansang pulisya hanggga’t maigting ang kanilang ipinatutupad na anti-illegal drugs operations, asahan na umano ang pagdami pa ng casualties.

Ani Bato, mahigpit niyang utos sa kanyang mga tauhan na kung nalalagay sa panganib ang kanilang buhay laban sa mga inaarestong drug suspects huwag silang magdalawang-isip na ipagtanggol ang kanilang sarili.

Pero giit ni Dela Rosa, sakaling sumuko ang drug suspect ay huwag na huwag ito papatayin dahil ito aniya ay paglabag sa karapatang pantao

Mismong ang PNP Internal Affairs Service aniya ang mag-iimbestiga sa mga pulis na masasangkot sa human rights violation.

Sa kabuuan pumalo na sa 114,833 ang mga surrenderees na mga drug suspects sa buong bansa.

 

 

TAGS: anti-illegal drugs operations, anti-illegal drugs operations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.