Justice Sec. Aguirre, gusto na ring ipapatay ng drug lords sa bilibid
Tinangka ng mga drug lord sa New Bilibid Prisons (NBP) na suhulan si Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre para lamang hindi nito ituloy ang pagpapatupad ng reporma sa bilangguan.
Ibinunyag ito ni Aguirre sa kaniyang pagtungo ngayong araw sa bilibid para sa isasagawang turnover ceremony gayundin sa unang araw ng pagbabantay ng mga tauhan ng Special Action Force (SAF) sa bilangguan.
Ayon kay Aguirre, sa simula, pinlano ng mga drug lord na suhulan siya ng P100 milyon.
Gayunman, dahil alam umano ng mga drug lord na hindi papatulan ni Aguirre ang suhol ay naglaan na lamang sila ng P50 milyon na pabuya sa makapapatay sa kalihim.
Dagdag pa ni Aguirre, preso sa maximum compound ng bilibid ang inalok ng P50 milyon na upa para siya ay patayin.
Sa kabila nito tiniyak ni Aguirre na handa siyang ibuwis ang kaniyang buhay, para lamang maisaayos ang napakatagal nang problema sa bilibid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.