Ikatlong lindol sa nakalipas na apat na araw, naitala sa Tokyo
Muling niyanig ng lindol ang Tokyo, Japan ngayong Miyerkules ng umaga.
Tumama ang magnitude 5.0 na lindol sa Tokyo na naramdaman din sa ibang lugar sa eastern Japan.
Ayon sa US Geological Survey, naitala ang epicenter ng lindol sa Ibaraki at may lalim na 44 kilometers.
Wala namang banta ng tsunami matapos ang lindol at wala ring napaulat na napinsala.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na may tumamang lindol sa Tokyo sa nakalipas na apat na araw.
Kahapon, Martes, niyanig din ng magnitude 4.8 na lindol ang Tokyo at magnitude 5.0 naman noong Linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.