38 sa 84 na nasawi sa Nice, France attack, pawang dayuhan
Pawang dayuhan mula sa labingsiyam na mga bansa ang kabilang sa 84 na nasawi sa pag-atake sa Nice, France.
Sa datos na inilabas ng French foreign ministry, aabot sa 38 sa mga nasawi na dumadalo at nakikisaya sa selebrasyon ng Bastille Day ay mga dayuhan.
Ang mga dayuhang biktima ay pawang mula sa Algeria, Germany, Armenia, Belgium, Brazil, Estonia, United States, Georgia, Italy, Kazakhstan, Madagascar, Morocco, Poland, Russia, Romania, Switzerland, Tunisia, Turkey at Ukraine.
Ang listahan naman ng mga nasugatan ay hindi pa naisasapinal ng mga otoridad, pero may mga sugatan ding dayuhan.
Sa mga nasugatan, labingsiyam pang katao ang nananatiling nasa seryosong kondisyon sa pagamutan, limang araw matapos ang pag-atake.
Ayon kay French state prosecutor Francois Molins, ang Nice ang ikalawa sa most visited city sa France kasunod ng Paris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.