Lima patay sa ‘drug-related massacre’ sa Malabon

By Jong Manlapaz July 20, 2016 - 04:40 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang limang katao sa nangyaring massacre sa isang museleo sa sementeryo sa Bgy. Tugatog Malabon sa nakalipas na magdamag.

Ayon kay Tugatog, Malabon PCP commander Senior Insp. Joseph Gordovez, nagdiriwang ng kaarawan ang mga biktima sa loob ng museleo na kanilang binabantayan sa Tugatog Semetery sa Lascano St. Tugatog, Malabon nang dumating ang apat na suspek lulan ng dalawang motorsiklo at agad silang pagbabarilin.

Kinilala ni Gordovez ang mga nasawing biktima na si alyas ‘Peter bakla’ na namatay kaagad sa crime scene, habang naisugod pa sa ospital sina Fe Nicanor alyas ‘Nene’ na dineklara rin na dead on arrival sa pagamutan.

Samantala, binawian na rin ng buhay sa ospital sina Socorro Reyes alyas ‘Bebeng paa’ at ang mag-inang sina Myrna Zulueta 50 yrs old, at Edmund Otico na nagdiriwang ng kanyang kaarawan habang ang isa pang anak nito na si Edmer Otico ay nasa kritikal namang kondisyon sa Tondo General Hospital.

Sa kanilang pagtakas, nag-iwan pa ng puting kartolina na may nakasulat na “pusher kami wag tularan” at “sunod na kayo papasok na kami” ang mga suspek.

Pinatotohanan naman ni Sr. Insp. Gordovez na kilalang tulak na bawal na gamot ang mag iina, habang ginagawa umanong drug den ang museleo na kanilang binabantayan at pwestuhan para mambugaw ng mga kababaihan.

May nakuha naman plastic sachet na hinihinalang shabu at ilang basyo ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.