Ipagagamit na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang beep card o tap-and-load card simula sa Lunes, July 20, 2015.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni LRTA Spokesman Atty. Hernando Cabrera, sasailalim lang muna sa public trial ang beep card sa LRT line 2 Legarda Station para masubukan ang paggamit nito.
Simula sa Lunes, mabibili na sa Legarda station ang stored value at single journey na beep card.
Kung stored value ang bibilhing card, maari itong magamit pagpasok at palabas sa lahat ng LRT line 2 stations hangga’t mayroon pang load. Kung single journey naman ang bibilhin na beep card ay gagana din ito sa lahat ng exit ng mga istasyon sa Line 2 depende sa halaga ng single journey na binili ng pasahero.
Sinabi ni Cabrera na kung magiging matagumpay ang gagawing testing sa paggamit ng beep card sa Legarda station ay magbubukas na sila ng pagbebenta nito sa iba pang istasyong ng Line 2. “Gusto naming mai-check ang operational character nitong beep card, kapag naging OK ang testing sa Legarda Station, mago-open naman tayo sa ibang station,” sinabi ni Cabrera
Hanggang P10,000 ang pinakamalaking halaga na puwedeng i-load ng pasahero sa beep card at wala itong expiration. / Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.