NCRPO sa dami ng mga napapatay: ‘Wala pa namang nagrereklamo’

By Ruel Perez July 20, 2016 - 04:39 AM

 

File photo

Kinumpirma ni NCRPO Chief Oscar Albayalde na sa kabila ng pagtaas ng kaso ng pagpatay sa Metro Manila, wala naman silang natatanggap na formal complaint lalo na mula sa mga kamag-anak na napapatay na mga drug suspects.

Ayon sa datos ng NCRPO, mula July 1 hanggang July 17, 2016 nasa 70 indibidwal na ang na neutralized ng PNP sa kanilang pinalakas na anti-illegal drug campaign at 37 dito ay mga biktima ng summary execution.

Umaabot naman sa 636 ang naaresto at nasa 18,749 naman na mga drug pusher at user ang sumuko.

Pumalo naman umano sa 300 kilo ng shabu ang nakumpiska ng NCRPO sa kanilang operasyon.

Samantala, hindi kumbinsido si Albayalde na nakapasok na sa kalakhang Maynila ang umanoy DDS o Davao Death Squad na siya umanong itinuturong responsable sa serye ng mga pagpatay sa ilang mga drug suspects sa Davao.

Paliwanag ni Albayalde, sa ngayon walang pruweba na mga vigilante ang may kagagawan sa mga nakikitang biktima ng summary execution.

Giit ni Albayalde, kung totoong may death squad sa Maynila siguradong marami pang mga biktima ng summary killings ang marerekober.

Posible umanong mga sindikato din ng droga ang may kinalaman sa mga pagpatay sa mga drug suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.