North Korea, nagpakawala ng tatlong missiles
Nagpakawala ng tatlong ballistic missiles ang North Korea, Martes ng umaga.
Ayon sa Joint Chiefs of Staff (JCS) ng South Korea, magkakasunod na pinakawalan ng NoKor ang tatlong ballistic missiles sa pagitan ng alas 5:45 at alas 6:05 ng umaga.
Sa bahagi umano ng North Hwanghae Province pinawalan ang missiles at lumipad ng aabot sa 500 hanggang 600 kilometers ang layo.
Ayon sa JCS, sapat ang nasabing distansya para umabot sa South Korea ang mga pinawalang missiles.
Patuloy naman na naka-alerto ang military ng South Korea para bantayan ang kilos ng NoKor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.