Bahagi ng South China Sea, isasara para sa war games ng China
Pansamantalang isasara ng China ang isang bahagi ng South China Sea para sa isasagawa nilang military drills, isang linggo matapos ilabas ng arbitration court ang ruling kaugnay sa agawan ng teritoryo sa rehiyon.
Ayon sa maritime administration ng China, hindi papayagan ang pagpasok sa kanilang itatalagang lugar para sa gaganapin na war games mula ngayong Martes hanggang Huwebes.
Ang bahaging ito ay nasa bandang east coast ng Hainan province na medyo malayo sa Paracel Islands at di hamak rin na mas malayo mula sa Spratlys.
Matatandaang noong nakaraang linggo lamang ay naglabas ang Permanent Court of Arbitration (PCA) sa ng ruling na walang legal na basehan ang pang-aangkin ng China sa halos buong South China Sea.
Nagsagawa rin ng military drills ang China sa South China Sea ilang araw bago ilabas ang arbitration court ruling.
Sa isang hiwalay na pahayag naman, sinabi rin sa naturang website na noong nakaraang linggo ay pinagana na ang apat sa limang lighthouses na itinayo sa mga isla at reefs sa South China Sea, at malapit na ring buksan ang ika-lima nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.