Napatay na BIFF, umakyat na sa 33-AFP

By Ruel Perez July 19, 2016 - 04:27 AM

 

Maguindanao-mapPumalo na sa 33 miyembro ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nasawi habang 10 naman ang sugatan sa bakbakan sa pagitan ng BIFF at militar sa Maguindanao.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, kinumpirma ito ng kanilang mga tauhan sa field na resulta ng halos dalawang linggong bakbakan sa pagitan ng militar at mga rebeldeng grupo.

Noong July 6, muling umusbong ang tensyon sa naturang lugar dahilan para pansamantalang lumikas ang mga residente.

Samantala, nasa 183 na residente umano mula sa Datu Unsay ang pansamantalang iniwan ang kanilang mga tahanan dahil sa nagaganap na kaguluhan, habang 406 naman ang mula sa Salibo at Datu Saudi Ampatuan.

Sa ngayon ay pansamantala umanong itinigil ang bakbakan matapos umatras ang ilang myembro ng BIFF patungo sa lugar na kilalang kuta ng MILF.

Dahil dito ani Padilla, hindi umano nila maaaring pasukin basta basta ang area ng MILF ng hindi nakikipag coordinate sa pamunuan nito upang maiwasan ang anomang mis-encounter.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.