PAGASA, may bagong atomic clocks

July 17, 2015 - 06:33 AM

pagasa-logo-298x224May bago sa PAGASA!

Nakatanggap ng tatlong Caesium atomic clocks ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA na maaaring magamit sa pagtatala ng accurate na time-keeping data.

Ayon kay Mario Raymundo, Astronimical Observation and Time Service Unit chief, nagkakahalagang humigit-kumulang 50 million pesos ang mga Caesium clocks, na binili pa mula sa Boulder, Colorado.

Inilagay sa Planetarium at Science Garden ang mga nasabing bagong mga orasan.

Dagdag pa ni Raymundo, nais nila na magkaroon ang buong bansa ng universal coordinated time, na maaaring magamit para sa pagkakaroon ng Philippine Standard Time o PST sa tulong ng network time protocol server system. Ito ay ayon na rin sa nakasaad sa Republic Act 10535 o Philippine Standard Time of 2013 na nagsusulong sa mga Pilipino na maging maaga at nasa oras.

Noong 2014, inaprubahan ng Department of Science and Technology ang pagbili ng tatlong Caesium 5071A clocks, na may pinaka accurate magbigay ng oras at frequency standards.

Ang mga atomic clocks na ito ay tumatagal ng humigit kumulang sa labinlimang taon at kayang mapanatiling tama ang oras palagi mula isang segundo hanggang 30 million years. /Stanley Gajete

TAGS: Caesium atomic clocks, Pagasa, Radyo Inquirer, Caesium atomic clocks, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.