Suspected drug lord na si Peter Lim, haharap sa NBI sa Huwebes

By Mariel Cruz July 18, 2016 - 05:16 PM

Peter lim
RTVM photo

Haharap sa National Bureau of Investigation ang pinaghihinalaang drug lord na si Peter Lim sa Huwebes.

Kasunod ito ng naganap na pulong ni Lim kay Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, nakatakda na ang pagharap ni Lim sa ahensya ngayong araw ngunit ipinagpaliban ito sa Huwebes dahil nagkasakit ito.

Wala aniyang binigay ang Cebu-based businessman na eksaktong oras ng pagdating nito sa NBI ngunit naabisuhan na si Justice Sec. Vitaliano Aguirre kaugnay dito.

Una nang nagkita sa isang pulong si Duterte at Lim sa Davao City kung saan sinabihan siya ng pangulo na humarap sa anumang imbestigasyon na gagawin ng NBI.

Nagbanta pa si Pangulong Duterte kay Lim na papatayin kung mapapatunayang isa siya sa top three drug lord sa bansa na sangkot sa illegal drug trade.

Kabilang si Lim sa mga pinangalanan ni Duterte sa isang televised address na umano’y top drug lord at pinoprotektahan ni retired Deputy Director General Marcelo Garbo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.