Pananambang sa pulis sa Batangas, posibleng dahil sa droga

By Kabie Aenlle July 18, 2016 - 04:54 AM

Crime scene2Hinihinalang may kinalaman sa iligal na droga ang pananambang sa isang pulis sa Batangas City.

Ayon kay Batangas City deputy police chief Chief Insp. Jose Naparato, minamaneho ni SPO3 Limuel Panaligan ang kaniyang sasakyan sa may Barangay Kumintang Ibaba nang bigla siyang barilin ng isang lalaking sakay ng motorsiklo dakong tanghali ng Linggo.

Nasawi si Panaligan habang dinadala sa Batangas Medical Center.

Ani Naparato, sumailalim si Panaligan sa isang recovery program na para sa mga pulis na nasangkot sa paggamit at pagbebenta ng iligal na droga.

Ngunit aniya, sa kabila nito ay hindi pa rin tumigil si Panaligan sa kaniyang iligal na gawain.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.