2 kurso, kinansela ng UST para sa S.Y. 2016-2017

By Kabie Aenlle July 18, 2016 - 04:53 AM

USTDahil sa implementasyon ng K-12 program na ramdam na ramdam na ngayong taon, kinailangan ng University of Santo Tomas (UST) na kanselahin muna ang pag-aalok ng dalawang kurso sa kanilang unibersidad.

Labis kasing bumaba ang bilang ng mga nag-apply para sa mga kursong Journalism at Legal Management para sa school year (S.Y.) 2016-2017.

Ayon sa report ng official publication ng UST Faculty of Arts and Letters (AB), si Assistant Dean Narcisa Tabirara mismo ang nag-kumpirma ng nasabing pag-kansela ng nasabing mga kurso.

Anim lang kasi ang kasalukuyang kwalipikadong estudyante sa Journalism, habang 11 naman sa Legal Management.

Hindi ito maaring ipagpatuloy dahil hindi dapat bababa sa 40 ang enrollees sa isang klase.

Dahil sa pangyayaring ito, iminungkahi na lamang ng unibersidad sa mga apektadong estudyante na kumuha ng ibang kahalintulad ng kurso tulad ng Communication Arts o Political Science.

Mababatid na ngayong taon, kakaunti lamang ang mga nag-enroll bilang college freshmen dahil ang mga nagtapos ng Grade 10 ay kasalukuyan nang nasa Senior High School Grade 11.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.