Gumastos ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila na P26 milyon para maisailalim sa renovation ang Manila City Jail na noong 1847 pa itinayo.
Mula nang maitayo ang kulungan na ito, kailanman ay hindi pa ito nakaranas ng anumang renovation, kaya karamihan na sa mga pasilidad nito ay nabubulok at sira-sira na tulad ng mga selda.
Sa ngayon, nasa 4,278 ang kinukupkop na bilanggo ng MCJ na apat na beses na mas marami kumpara sa nakatakdang kapasidad lamang ng 2 ektaryang piitan na ito.
Bukod sa renovation, sasailalim rin sa modernization ang piitan. Ginamit ang pondong nakalaan dito para magdagdag ng mga security cameras, biometric scanners para sa mga dumadalaw at mga computers.
Pangunahing aayusin ay ang mga selda ng mga preso, pati na ang mga palikuran at iba pang pasilidad sa loob ng MCJ.
Isinagawa ni Manila Mayor Joseph Estrada ang proyektong ito dahil naniniwala siya na bagaman lumabag sa batas ang mga nakakulong, tao pa rin sila at kailangan nila ng maayos-ayos na matutuluyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.