Titiyakin ng Department of Health (DOH) na maisama ni Pangulong Duterte sa kaniyang legislative agenda sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ang mental health bill.
Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial, mahalagang nakahanay sa mga mambabatas ang mga prayoridad ng executive branch kaugnay sa pagsusulong ng mga batas para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
Paliwanag ni Ubial, ang Senate Bill No. 2450 o “Philippine Mental Health Act of 2014” at ang House Bill No. 5347 o “Philippine Mental Health of 2015” ay naglalayong mabigyan ng maayos na mental health care system ang mga mamamayan.
Ito aniya ay para matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao para sa kanilang mental health, na katumbas rin ng pag-tugon sa pisikal na pangangailangan ng mga ito pagdating sa kalusugan.
Isa aniya sa kanilang mga isusulong ay ang pagkakaroon ng ugnayan sa Department of Education, dahil mayroon aniyang curriculum na sumisiyasat sa mental health ng isang tao bago pa man ito magkaroon ng problema tulad ng depresyon.
Balak rin nila na magkaroon ng mga community-based mental health facilities na magbibigay ng mura at abot-kamay na mental health care at counseling sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.